Sat, 24 Oct 2020

Free wifi handog ng SK sa San Jose, Talisay, Cam Norte

Philippine Information Agency
22 Sep 2020, 18:38 GMT+10

DAET, Camarines Norte, Setyembre 22 (PIA) -- Handog ng Sangguniang Kabataan (SK) ng barangay San Jose sa bayan ng Talisay ang free wifi para sa mga estudyanteng nais mag-online class sa ilalim ng proyektong "Free Wifi para sa Kabataan" na may titulong "Isulong ang Edukasyon sa kabila ng Pandemyang ating Kinakaharap".

Ayon kay SK Chairman Arjay J. Cabanela, ang proyekto ay sobrang napakahalaga sa mga kabataan sa kanilang barangay kaya nagsikap sila na magkaroon ng sariling internet connection base sa napagkasunduan ng SK Council.

Aniya, ang free wifi ay isa sa mga kailangan ng kabataan ngayong panahon ng pandemy kung saan karamihan ay kumukuha ng online class, kung kayanaisakatuparan ang proyektong ito.

Base sa alintuntunin, lima hanggang walong mag-aaral lamang sa bawat araw ang kailangang makapag-access ng libreng wifi at magchat o magpadala ng mensahe sa kanilang FB page upang mabigyan ng schedule.

Aabot sa 20-40 mag-aaral ang maaaring makapag-avail ng proyektong ito. Dapat na magsumite ang mga nais mag-avail ng kanilang pangalan, edad at eskwelahan o direktang makipag-usap sa tanggapan ng SK upang mapadali na maisaayos ang mga kailangan at maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Mahigpit na ipinapaalala ang pasunod sa health protocol gaya ng pagsuot ng facemask o faceshield at pagdala ng alcohol kung maaari, ganundin ang pagpapanatili ng isang metrong distansiya ng mga tao.

Ipinagbabawal din ang paggamit ng internet sa hindi makabuluhang bagay dahil ito ay para lamang sa pag-aaral at ang sinumang mahuhuling lalabag sa patakaran ay maaaring ma-ban sa pag-access ng free internet at hindi na pahihintulutan pang maka-connect.

Para sa mga dagdag na impormasyon, katanungan at iba pang detalye ukol sa naturang proyekto ay magsadya lamang sa tanggapan ng SK sa Brgy. San Jose, Talisay, Camarines Norte.. (RBM/ROVillamonte-PIAV/Camarines Norte)

More San Jose News

Access More

Sign up for San Jose News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!